Opisyal ng DOJ, nasabon sa Kamara

NAGPAHAYAG ng pagkadismaya ang ilang mambabatas sa Department of Justice sa mabagal na pagsasampa ng kaso laban sa mga bumubuo ng Aman Futures Incorporated.

Sa pagdinig ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries, pinagsabihan ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na natutulog ang mga DOJ prosecutors sa kanilang trabaho.

Ito ay dahil base sa National Bureau of Investigation (NBI) Oktubre 16 nang maghain sila sa Pagadian Prosecutors Office ng kaso laban sa Aman Futures Group at Nobyembre 28 naman sa DOJ.

Ikinatuwiran naman ni Special Prosecutor Edna Valenzuela, Nobyembre 16 lamang naitatag ang grupo na humahawak ngayon ng preliminary investigation laban sa Aman Futures Group.

Ngunit sinabi ni Rodriguez na napakabagal ng DOJ na inabot pa ng isang buwan bago ito nakapagbuo ng team of special prosecutors

Idinagdag pa ng mambabatas na dapat paspasan ang trabaho nito dahil mahalagang maisyuhan agad ng warrant of arrest ang mga nasa likod ng Aman Futures lalo na sina Manuel Amalilio at Mayor Samuel Co.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply