Opisyal ng NBI, kinasuhan

PATUNG-PATONG na kaso ang kinakaharap ngayon ng isang opisyal ng national Bureau of Investigation (NBI)dahil sa hindi umano pagbabayad ng milyong piso obligasyon sa IT provider ng ahensiya.

Kasong paglabag sa Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), Republic Act No. 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards) and Republic Act No. 9485 (Anti-Red Tape Act) ang kinakaharap ni NBI Deputy Director for Comptrollership Rafael Marcos Ragos.

Ang kaso laban kay Ragos ay bunsod ng reklamong isinampa ng Realtime Data Management Services Inc. (RDMSI), sa pamamagitan ng kanilang vice president for external affairs na si Atty. Orlando Dizon.

Inakusahan si Ragos na hindi nagbayad ng may P14 milyon (net of withholding taxes) para sa serbisyo ng kumpaniya sa NBI mula Hulyo-Setyembre 2012.

Nabatid na ang nabanggit na bayarin ay contractual obligation ng NBI para sa biometrics clearance system.

Batay sa 23 pahinang reklano, inakusahan ng kumpanya si Ragos na tumangging iproseso ang naturang bayarin.

“Respondent Ragos calculatingly used his office as the current Deputy Director for the NBI for Comptroller Servicces for his personal interest and to discriminate RDMSI and with utter disregard of the requirement of highest degree of professionalism when he made the unjustified refusal to release the payments of the billings of RDMSI,” ayon sa reklamo ng kumpanya.

Ito ay sa kabila umano ng kautusan ni Justice Sec. Leila de Lima at NBI director Nonnatus Rojas kay Ragos na mag comply na sa kahilingan ng RDMSI.

Kinuwestiyon din umano ni Ragos ang kontrata ng RDMSI sa NBI noong Disyembre 2011 imbes na ayusin na lamang ang bayarin.

Bukod sa patung-patong na kaso ay hiniling rin ng nasabing kumpanya na masuspinde si Ragos para hindi umano nito magamit ang kanyang posisyon sa kanyang kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply