Oplan ‘APIR’, binuhay ng DOH

MULING binuhay ng Department of Health (DoH) ang Oplan “APIR”o “Aksyon: Paputok Injury Reduction” upang mapababa ang bilang ng mga tinatamaan ng paputok tuwing Kapuskuhan, lalo na sa Bagong Taon.

Nakasentro ang kampanya sa mga bata na nasa edad anim hanggang sampung taong gulang dahil sila ang madalas mapinsala ng mga paputok.

Batay sa statistics, noong 2011, nakapagtala ng 274 na bata na tinamaan ng mga firecracker.

Sa halip na salubungin ang Pasko at Bagong Taon gamit ang nakapipinsalang paputok, magsagawa na lang ng street party o dance party na sabay sa saliw ng hitdance na Gangnam Style o di kaya ay gumamit ng torotot.

Sisimulan ng DOH sa Disyembre 21 ang pag-monitor sa firecracker-related incidents.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply