Oplan bakal sa night clubs pinaigting ng NCRPO

espina

MARIING ipinag-utos ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Leonardo Espina ang pagpapalakas ng operasyong ‘Oplan Bakal’ sa lahat ng mga nightclub at bars sa buong Metro Manila ngayong Kapaskuhan.

Sa direktibang inilabas ni Espina sa lahat ng District Directors, iniutos nito na magsagawa ng mga operasyon sa mga night clubs, bars, videoke bars at iba pa upang malabanan ang kriminalidad.

Nais ni Espina na mahuli ang mga taong iligal na nagdadala ng armas at masamsam ang mga ito.

Bukod dito, inatasan rin ni Espina ang kanyang mga opisyales na palakasin ngayong papalapit ang Pasko ang “Oplan Galugad” o paghahabol sa mga taong wanted sa batas at “Oplan Sita” o paglalatag ng mga checkpoints sa mga istratehikong lugar.

“Intensify Oplan Bakal in all entertainment places aside from Oplans Galugad and Sita to check for firearms/ deadly weapons to further prevent crimes from happening,” ani Espina.

Kung maaari rin, nais ni Espina na ipatupad rin ng pulisya ang ordinansa ng mga lungsod na nagbabawal na maghain ng nakakalasing na inumin pagsapit ng alas-2 ng madaling araw upang maiwasan ang sobrang pagkalasing ng publiko at mga aksidenteng maaaring maganap.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply