‘Oplan Iwas Paputok’ ng DoH nakapagtala na ng anim na firework related injuries

NAKAPAGTALA agad ng anim na kaso ng fireworks related injuries ang Department of Health (DOH) sa unang araw ng kanilang monitoring na “Oplan Iwas Paputok.”

Ayon kay DOH Asec. Dr. Eric Tayag, apat sa mga ito ay galing sa Region-1, isa sa Leyte at isa sa Maynila na nasa edad lima hanggang 19 taong gulang.

Ayon kay Tayag, isa na ang naputulan ng daliri sa Dagupan matapos gumamit ng pillbox.

Sinabi ng opisyal na indikasyon ito na talagang matigas ang ulo ng maraming Pilipino na hindi tumatalima ang mga ito sa isinusulong na programa ng pamahalaan.

Patuloy naman sa paghimok ang DOH sa publiko na huwag nang gumamit ng paputok ngayong holiday para makaiwas sa disgrasya.

Nauna rito, Disyembre 21 nang simulan ng DOH ang monitoring ng fireworks-related incidents kaugnay sa paghahanda ng mga Pinoy sa pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong ng Bagong Taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply