Ormoc City nilindol ng magnitude 4.8

TUMAMA ang magnitude 4.8 na lindol sa ilang bahagi ng Ormoc City, Leyte, mag-aalas-otso Lunes ng umaga.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang sentro ng lindol sa layong 10 kilometro timog-silangan ng Ormoc City.

Nabatid na may lalim na 14 kilometro ang lindol na tectonic in origin.

Naramdaman ang Intensity IV sa Ormoc City, Dulag at Tolosa sa Leyte, habang Intensity III sa Tacloban City at Palo, Leyte. Intensity II naman ang naitala sa Leyte, Leyte.

Wala namang naiulat na pinsala o nasaktan sa nturang lindol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply