Ospital ng Makati nakaalerto simula bukas

HANDAN-HANDA na ang pamunuan at mga medical personnel ng Ospital ng Makati para sa mga mabibiktima ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Dr. Ismael Peralta, Director ng OsMak sa Pembo, simula bukas, Disyembre 29 ay naka-standby na ang kanilang medical personnel na tututok sa mga mabibiktima ng paputok

Tiniyak ni Dr. Peralta na may sapat din silang mga tauhan para tumugon naman sa pangangailangan ng mga magiging biktima ng paputok sa New Year.

Kaugnay nito, ngayong araw ay mag-iikot ang mga kawani ng OsMak at ang city health office para makiusap sa mga barangay na iwasan ang pagpapaputok at mag-ingay na lamang gamit ang mga torotot at iba pang alternatibong pampaingay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply