Out of the box marketing approach ng Pag-IBIG Fund

pag-ibig

Pag-IBIG Fund CEO Atty. Darlene Marie Berberabe ay naging matagumpay sa pagsusulong ng mga programa para sa “Matuwid na Daan” ni Pangulong Aquino.

Gumamit si Atty. Berberabe ng “Out-of-the-Box” marketing approach para sa kanyang programa.

Noong nakaraang Pebrero 14, matagumpay na nailunsad ang kauna-unahang Pag-ibig Day, ito ay isang Mass Wedding na sabay-sabay na ginanap sa siyam (9) na iba’t ibang rehiyon noong Valentine’s Day.

Inaasahan niya na ang mga kaanib ay palaging isinasaisip ang Pag-IBIG lalong-lalo na kung Valentine’s Day. Nagpatuloy na inilathala ng media ang mga kaganapan pagkatapos ng Mass Wedding ng may 2,000 mag-asawa.

Upang maipagpatuloy pa ito sa internet generation, inilagay na rin ng Pag-ibig Fund’s ang on line registration system, sa pagkakaroon ng mga kaanib ng agarang access sa kanilang mga account.

Pumirma rin siya ng pakikipag-kaisa sa mga bangko at iba pang mga kilalang pasilidad na magpapadali sa mga koleksyon ng Pag-ibig Funds, gayundin ang mga plataporma at sistema ng pagbibigay ng benepisyo para sa mga kaanib.

Naglagay din ang Pag-ibig Fund ng mga sentrong service desks sa buong kapuluan tulad sa mga shopping mall upang mapadali ang mga nais itanong na bagay-bagay, aplikasyon para sa loan upang kaagad maibigay sa mga kaanib. May website at facebook na rin ang Pag-ibig Fund.

Siya rin ay nakipagsara ng pagkakaisa sa Land Registration Authority (LRA) para mapabilis ang lahat ng transaksyon ng LRA sa Pag-ibig Funds home financing program.

Dahil, mas marami pang pondo kaugnay sa housing ang naipamahagi ng mabilisan, na nagresulta sa pagkakagawa ng mas maraming housing units sa kapakanan at benepisyo ng mga kaanib ng Pag-ibig Fund.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply