P.7-M shabu nasamsam ng PDEA sa Leyte

PDEA

TINATAYANG nasa 250 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P770,500 ang nakumpiska ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang entrapment operation at pagpapatupad ng search warrant sa Leyte.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., nakumpiska ang iligal na droga sa isang bahay na nasa Bantiller Street, Poblacion, Kananga, Leyte.

Isinagawa ng PDEA Regional Office 8 (PDEA RO8) sa pamumuno ni Director Julius Navales katuwang ang Provincial Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group (PAIDSOTG); at Leyte at Kananga Police, ang buy-bust operation sa Bantiller Street na ikinaaresto ng isang Roel Oliverio, alyas Kawi, 33-anyos at walang hanapbuhay.

Nakumpiska rin kay Oliverio ang marked money na ginamit sa operasyon bago pa makuhanan ito ng karagdagang walong sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Nahaharap si Oliverio sa kasong paglabag sa Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, tinatayang hindi kukulangin sa 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P190,000 ang nasabat ng mga elemento ng PDEA sa Zamboanga City, kamakailan.

Nahuli ang tatlong bigtime na tulak na sina Nuraine Abubakar, alyas Hadji Nur, 52 anyos; Rualana Naya, alyas Rual, 48 anyos at asawa nitong si Saidol Naya, 49.

Nasakote ang tatlo sa isinagawang buy-bust operation sa Sto. Niño Drive, Plaza, Tumaga, Zamboanga City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply