P1.1-B halaga ng pekeng gamit at produkto nakumpiska ng BOC

NAKUMPISKA ng Bureau of Customs ang mahigit sa P 1bilyong halaga ng pekeng gamit at mga produkto sa nakalipas na 11 buwan mula Enero hanggang Nobyembre 30, 2012.

Ayon kay Atty Ricardo R. Blancaflor, director general ng National Committee on Intellectual Property Rights o NCIPR ng Department of Trade and Industry o DTI, umaabot sa P1,100,000,000.00 ang nasamsam na counterfeit goods ng BOC, at itinuturing nila na pinakamalaki sa rekord.

“The performance of BOC as of November 30, 2012 is 22.05% of the total confiscation of the NCIPR (P4,988,645,292.00). In this regard, we would like to commend the officials and personnel of the Intellectual Property Unit of the Bureau of Customs (IPU-BOC) for this excellent performance”, ani Blancaflor kasabay nang papuri sa pamunuan ni Customs Commissioner Ruffy Biazon.

Nabatid sa opisyal na sa hanay ng law enforcement agencies sa ilalim ng NCIPR, ang Bureau of Customs ang may pinakamataas na nasamsam na pirated and counterfeit goods.

“We believe that their performance should merit a distinction from the Bureau”, ayon sa NCIPR Director General.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply