P1-T buwis nakolekta ng BIR

SA kasaysayan ng Bureau of Internal Revenue ay ngayon lamang nangyari na makakolekta ito ng P1 trillion sa buwis, indikasyon na bumubuti ang kalakaran ng negosyo sa Pilipinas.

Ito ang dahilan ng pagsasaya ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino dahil sa implementasyon ng modernisasyon ng taxation sa bansa.

Naatasan ang BIR na makakolekta ng kabuuang P1.006 trillion bilang tax goal sa taong ito.

Sa nasabing tax goal, P1 trilyon na dito ang matagumpay na nakolekta ng BIR sa pamamagitan ng mga revenue regional offices at mga revenue district offices sa buong kapuluan.

Tinataya naman sa P26 bilyon o posibleng umabot pa sa P36 bilyon ang shortfall ng Large Taxpayers Service sa harap ng patuloy na sabuyan ng ‘putik,’ ‘siraan’ at ‘awayan’ ng mga hepe at tauhan ng Large Taxpayers Regular Audit Division (LTRAD-1, 2 at 3) at Large Taxpayers Excise Audit Division  (LTEAD- 1, 2 at 3) na ang umano’y pinagtatalunan ay ang ‘partihan sa pera’ o pamamayani ng matinding corruption.

Kabilang sa mga naka-goal sa kanilang tax collections ay sina BIR Regional Directors Jonas Dela Pena Amora (Quezon City), Simplicio Madulara (City of Manila), Nestor Valeroso (Makati City) at Tomas Rosales (Caloocan City).

Umaasa naman  si BIR Assistant Commissioner for Large Taxpayers Fred Misajon na mahahabol nito ang kanyang shortfall bago matapos ang buwan ng Disyembre.

Kabilang sa umano’y nagpapasakit ng ulo kay BIR Commissioner Kim Henares, ayon sa source, ay ang mga alipores nitong sina Edwin Guzman, Cesar Escalada, Linda Grace Sagun, Greg Buhain, Rose Meniano at iba pa na pawang laman ng mga nagkalat na ‘white papers’ ukol sa umano’y nagaganap na katiwalian sa tanggapan ng LTRAD at LTEAD.

Si Guzman ay sinasabing ‘super-lakas’ kay Henares at ipinopormang gawing ‘instant revenue district officer’ sa North, Quezon City, habang si Escalada na idineklarang ‘persona non-grata’ ng mga businessmen sa Cebu City ay sinasabing personal choice ng lady commissioner bilang ‘instant RDO’ din sa Novaliches, QC.

Una nang hinamon ni retired BIR Inltelligence Officer Soc Aguinaldo si Henares na buwagin na lamang ang LTS (Large Taxpayers Service) dahil nagiging uga’t lamang umano ito ng corruption sa harap ng katotohanan na kailanman ay hindi naman diumano ito nakaka-goal sa kanilang tax collections sa kabila na 60 per cent ng kabuuang tax goal ay dito nakaatang at ang 40 porsiyento ay pinaghahati-hatian lamang ng regional at district offices.

Ang mga regional at district offces sa kasalukuyan ang siyang dahilan kung bakit sa kauna-unahang pagklakataon sa kasaysayan ng BIR ay makakulekta ng P1 trilyon sa buwis, samantalang bagsak pa rin ang koleksiyon ng LTS.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply