P100K patong sa ulo ng killer ng 3 DPWH worker

NAGLAAN na ng P100,000 pabuya ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) para sa makapagngunguso at ikadarakip ng suspek na pumatay sa tatlong tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Bumuo na rin ang awtoridad ng “Four police teams” para tumugis kay Romel Rosete, suspek sa pamamaslang sa tatlong empleyado ng DPWH sa Mulanay, Quezon province, Biyernes ng gabi.

Ayon kay Quezon Police Director Senior Superintendent Valeriano de Leon, si Rosete ay positibong inginuso ng mga testigo na pumatay sa mga biktima na sina Ronald Monterey, 28; Jason Rodelas, 23; at Celso Red.

Sinabi ni De Leon, ang mga sugatang biktima na sina Zaldy Prado, Diovino Degalicia, Arman Almero at Menurdo Abdella  ay pawang
nagpapagaling pa sa Quezon Medical Center.

Matatandaan na pinagbabaril ng suspek ang mga biktima nang iparada ang kanilang sasakyan malapit sa isang tindahan para bumili ng sigarilyo sa naturang barangay.

Angh suspek umano ay nairita nang hindi patayin ng mga biktima ang ilaw ng sasakyan nilang L-300 van (SFA-586).

Makaraan ang pamamaril ay tumakas ang suspek lulan ng kanyang motorsiklo.

Nakuha sa lugar na pinangyarihan ang 14 na basyo ng kalibre .45 pistol.

“We are readying the multiple murder and frustrated murder charges to be filed against the suspect today (Monday ” ayon kay De Leon

Sinabi ni De Leon na nagsasagawa na sila ng police checkpoints sa entry at exits points sa Quezon province para sa ikadarakip ng suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply