P100K tinangay, bebot sugatan sa riding-in-tandem

emergency-2

MALUBHANG nasugatan ang isang babae matapos barilin ng riding in tandem sa Sta. Ana, Maynila.

Batay sa ulat, tinangay ng dalawang hindi nakilalang lalaki na nakasakay sa isang motorsiklo ang bag ng biktima na si Myra Delos Santos, 39, ng  Mateo St., Mandaluyong City, na naglalaman ng P100,000.

Inoobserbahan ngayon si Delos Santos sa Sta. Ana Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril.

Sa daily journal ng Manila Police District, alas-3:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa New Paredes St., Sta. Ana Maynila malapit sa boundary ng Mandaluyong City.

Sinasabing galing si Delos Santos sa tindahan na kanyang binabantayan at bitbit ang pera na idideposito sana sa isang sangay ng RCBC Bank.

Sa pahayag ng biktima, habang naglalakad patungo sa bangko ay bigla na lamang siyang nilapitan ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo at inagaw ang bag na naglalaman ng pera.

Hinabol umano ng biktima ang papatakas na mga suspek ngunit binaril siya ng isa sa mga salarin na tumama sa kanang bahagi ng kanyang katawan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply