P10K ng mga empleyado, matatanggap kung…

pnoy8

TINIYAK ng Malakanyang na matatanggap ng mga empleyado ng pamahalaan nang buo ang kanilang Performance Enhancement Initiative (PEI) na P10,000 depende kung maganda ang kanilang trabaho.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, kung P5,000 lamang ang PEI na nakuha ng mga ito ay ibig sabihin ay pangit ang kanilang performance.

“Ang nangyari po doon talaga P5,000 lang talaga ‘yon. Ang additional P5,000 ‘non talaga, kargo ‘yon ‘nung agency. Ang ginawa last year, inako po ng national government  ‘yung additional P5,000. Pero ang binibigay talaga po ng government is P5,000. Now, at least may 13th month pay; may mga ibang bonuses pa silang matatanggap. ‘Yung performance-based bonus naman po, that will come after Christmas. So ‘pag ubos na ‘yung pera ninyo ‘nung Pasko sa kakabigay ng aginaldo, at least there is something to look forward to after Christmas. But that is a merit-based bonus. So I’m sure kung kayo naman ay maganda ang inyong trabaho, we see no reason why you will not be able to receive your performance-based bonus,” paliwanag ni Sec. Lacierda.

Kaya nga, malinaw na magpapagod lamang ang mga guro na di umano’y magka-carolling sa harap ng tanggapan ng Department of Budget and Management (DBM) ngayon.

“Kasi talaga ‘yung PEI talaga natin is really P5,000. We have committed P5,000 to that. ‘Yung balance ‘non inako lang namin. But now we’re using that additional P5,000; instead of giving it to everyone—whether nagtatrabaho ka o hindi—unfair naman doon sa mga masisipag magtrabaho. Kaya nga in-institute itong performance-based bonus para <kilalanin> ang mga kawaning masipag sa trabaho para may incentive sila na lalong magpursigi sa kanilang trabaho at hindi po i-reward ang mga taong batugan sa gobyerno. This performance-based bonus is a way of recognizing the people who work hard in the government,” aniya pa rin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply