P2.006T 2013 nat’l budget, nilagdaan na ni PNoy

PNOY-5

AGAD na nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang P2.006 trillion 2013 General Appropriations Act (GAA) kahapon.

Tiniyak ng Punong  Ehekutibo na walang line o direct veto sa naturang national budget sa katuwirang kuntento ito sa pinaglaanan.

Kaya nga makakaasa aniya ang publiko na gagamitin sa tama ang pisong nakapaloob sa budget lalo pa’t nahaharap ang bansa sa mga sakuna, banta ng terorismo at iba pang pangangailangan.

Hindi imposible ang pagbabago at mula sa dating nakasanayang re-enacted budget, sisimulan na ang bagong tradisyong maagang pagpapasa ng national budget.

Sa nabanggit na budget, sa pamamagitan ng tinatawag na ‘bottoms up’ ay may kontribusyon umano ang mamamayan lalo ang mga LGUs na nagrekomenda ng mga proyektong popondohan.

Sa kabilang dako, ukol naman sa napabalitang tangkang kudeta sa Senado, hindi nakadalo sa budget signing si Senate Pre. Juan Ponce-Enrile na pinuri pa rin ng Pangulong
Aquino.

Kasama rin sa nasabing event si deputy speaker at Cebu Rep. Pablo Garcia, na tatay ni Gov. Gwendolyn Garcia na sinuspinde ng DILG.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply