P200-K nasabat na paputok sa QC sinira

nasabat-na-paputok-sa-qc

SINIRA ng Quezon City Police District (QCPD) sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig ang mga nakumpiskang iligal at walang permit na mga paputok na nagkakahalaga ng P200,000.

Ang pinagsama-samang paputok na nagmula sa nakumpiska ng QCPD police station 1 hanggang station 12 ay iprinisinta sa mediamen ngayong umaga sa Kampo Karingal.

Kasama sa mga binasang paputok ay ang kontrobersyal na piccolo, Goodbye Philippines, doomsday at Bin Laden na inilubog sa dalawang drum ng tubig para matiyak na hindi na ito mapapuputok pa.

Kabilang sa mga tumulong magprisinta ng pagsira sa mga paputok ay ang mga kawani mula sa Explosive Ordnance Division (EOD).

Nag-sampol pa ang mga taga-QCPD sa mga dumalo sa seremonya kung gaano kalakas ang impact ng mga nakumpiskang paputok.

Samantala, ilang pulis naman ang sinita nang tangkaing mang-agaw ng mga paputok na iuuwi sana sa kanilang bahay para paputukin sa pagsalubong sa Bagong Taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply