P30-M lotto jackpot kinubra ng trike driver

MAHIGIT P30 milyon ang kinubra ng 27-anyos na tricycle driver na solong nanalo sa 6/55 Mega lotto na binola noong Nobyembre 26 sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Nagtungo noong Biyernes ng hapon sa tanggapan ng PCSO ang mapalad na binata na nagmula pa sa lalawigan ng Aklan upang kubrahin ang kabuuang halagang P30,000,150,00 na katumbas ng kombinasyong 28-52-05-04-41-27 na kinuha niya mula sa kanyang edad, petsa ng kapanganakan at birthdates ng kanyang kasintahan.

Ayon kay PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II, nakikitira lamang ang mapalad na lotto bettor sa kanyang matandang dalagang tiyahin kaya’t plano niyang bumili ng sariling bahay at lupa upang doon na sila manirahan ng kanyang kasintahan pagkatapos ng kanilang nakatakdang pagpapakasal sa Enero ng pagpasok ng taon.

Tiniyak din ng binata na babahaginan  niya ng balato ang kanyang tiyahin at maglalagak ng puhunan sa itatayo niyang negosyo sa kanilang lalawigan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply