P42M inihanda para sa bagyong Pablo

bagyong-pablo

INIHANDA ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang may kabuuang halaga ng P42,352,475.59 ng pinagsamang standby funds at relief supplies para sa mga maaapektuhan ng bagyong Pablo.

Sa nasabing halaga, P3,703,785.67 ang standby funds na inilaan para sa CARAGA, Region XI, Region X, Regions VIII, VII, VI, at V.

Nakahanda naman ang relief supplies na nagkakahalaga na P38,648,689.92 para sa mga nabanggit na rehiyon.

Bukod sa mga nasabing pondo, ay in-activate ni Social and Welfare Secretary Corazon “Dinky” Soliman ang mga QRT (quick reaction teams) ng gobyerno.

“‘Yung sa DPWH naka-activate na rin po ‘yung mga field offices nila at ‘yung mga QRT natin at sinisigurado po nating naka-standby ‘yung heavy equipment po natin kung kakailanganin for road clearing operations. At meron po akong listahan ‘nung mga evacuation centers po natin sa Region X, Region VI, Region VII, Region VIII at sa CARAGA. Nandito po lahat ng evacuation centers, ipapamahagi po natin ito mamaya,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply