P6.5-M ayuda ng church NGO sa UK sa mga biktima ni ‘Pablo’

cbcp

ISANG Catholic Church organization sa United Kingdom ang nag-donate ng £100,000 o P6.5 milyong donasyon para sa mga biktima ng bagyong Pablo sa Pilipinas.

Batay sa ulat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), nabatid na bukod sa naturang donasyon ay nangako rin ang Catholic Agency for Overseas Development (CAFOD) na aktibong susuporta sa nagpapatuloy na relief operations sa Mindanao.

“We have pledged £100,000 to help our local partners provide housing and support to those who have lost their home,” anang grupo.

Inihayag rin ng grupo na magtutungo sa Mindanao si CAFOD’s Senior Emergency Response Office Robert Cruickshank sa Pasko upang magkaloob ng expert support sa mga biktima.

Nabatid na ang CAFOD ay kapartner ng EcoWeb na nasa Pilipinas at kasalukuyan nang tumutulong sa mga komunidad na naapektuhan ng bagyo.

Sa pinakahuling report, nasa 714 na ang naitatalang kumpirmadong nasawi at mahigit 800 pa ang nawawala dahil sa bagyong Pablo hanggang nitong Disyembre 11.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply