P7.5M halaga ng patatas, carrots nasabat ng BOC

ruffy-biazon

NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) ang isang 3×40-footer container van na naglalaman ng mga iligal na inangkat na sariwang patatas at carrots na tinangkang ipuslit sa Manila International Container Port (MICP).

Sinabi ni Customs Commissioner Ruffy Biazon, na galing sa China ang mga produkto na may kabuuang halaga ng P7.5 milyon.

Ang dalawang container ng patatas ay naka-consign sa Marbatan Enterprises at Green Meadows Enterprises at idineklarang household wares, habang sa Rorumen Agricultural Products naman naka-consign ang fresh carrots ay idineklarang mansanas.

Bukod sa misdeclaration, wala ring maipakitang permit mula sa Department of Agriculture (DA) ang mga consignee.

Nakatakdang sampahan ang tatlong consignee ng kasong paglabag sa Customs Tariff Codes sa Department of Justice (DOJ).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply