P7-B banana export, P4-B niyog nilusaw ni Pablo

AABOT sa P7 bilyong halaga ng saging at P4 bilyong halaga ng niyog na pang-export ng Pilipinas ang nawala dahil sa paghagupit ng bagyong Pablo partikular sa Davao.

Ayon kay Pilipino Banana Growers and Exporters Association, Inc. (PBGEA) Executive Director Stephen Antig, 14,000 ektarya sa 20,000 ektaryang sagingan ang tinamaan ng bagyo.

Katumbas, anya, nito ang 42 milyong kahon ng banana exports na nagkakahalaga ng kabuuang P7 bilyon.

Ayon naman kay Region 11 Department of Adriculture (DA) Director  Armando C. Angsinco, hindi lamang sagingan kundi maging mga niyog ang apektado ng paghagupit ng bagyong pablo.

Sa sagingan umano ay nagtala sila ng conservative estimate na 3,500 boxes per ektarya at 1,500 naman sa niyog.

Iyon umano ang mawawala sa kita ng Pilipinas sa susunod na taon.

Pwede pa umanong umabot sa P20 bilyon ang lugi ng mga magsasaka dahil lamang kay Pablo.

Aminado naman si Antig na imposibleng mahabol ng Pilipinas ang pangakong export sa ibang bansa.

Dahil dito, pwede umanong masingitan ito ng iba pang banana at coconut exporters, dahilan upang mawala na sila ng tuluyan.

Matatandaang nagpahayag na ng pagkabahala si DA Secretary Proceso Alcala, na baka magsisimula na naman ang bansa sa simula kung saan naghahanap tayo ng pagbebentahan ng mga saging at niyog dahil lamang sa bagyong Pablo.

Sa Kasalukuyan ay ang Japan ang number 1 market ng Pilipinas sa saging samanmtalang US naman sa niyog.

Gayunman, kumpiyansa si Alcala na makababawi agad ang mga magsasaka sa dinanas nilang trahedya sa loob ng isang taon.

Magtatanim umano muli ang mga magsasaka ng saging at niyog dahil replanting ang pinakamabilis na paraan sa pagbawi.

Ngunit aabutin umano ito ng anim hanggang sampung taon.

Sa ngayon, aayusin muna ng mga magsasaka ang kanilang mga bukirin upang maisalba ang pwede pang maisalba.

Hindi umano gaanong m,ahihirapan ang mga banana farmers dahil madaling itanim ang saging, ngunit matatagalan umano bago makabawi ang mga coconut farmers.

Ang tangi lamang umano nilang magagawa ay ayusin ang mga natirang puno ng niyog na nakatayo pa, o gamiting pagkain ang mga punong itinumba.

Pwede rin umanong pagkakitaan ang mga natumbang puno sa pamamkagitan ng coco-lumber.

“At least ngayon, hindi naman sila gaanong magugutom dahil pwedeng kaining o iulam ang ubod ng niyog,” ayon naman kay Phiulippine Coconut Authority  (PCA) Administrator Euclides G. Forbes.

Pansamantala lamang umano ang epekto ni Pablo sa mga magsasaka at umaasa silang makababawi rin ang m,ga ito sa lalong madaling panaho.

Sinabi pam ni Forbes na handa naman ang PCA na tumulong sa mga coconut farmers kung kinakailangan.

Sa kasalukuyan, Pilipinas ang nangunguna sa kalidad ng saging at niyog sa buong mundo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply