P93 milyon 6/49 Super Lotto jackpot napanalunan na

MAHIGIT P93 milyon jackpot prize ng 6/49 Super Lotto ang naiuwi na kahapon ng 29-anyos na factory worker na solong napanalunan na binola noong Disyembre 4 sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Halos hindi makapaniwala ang binatang Caviteno nang iabot sa kanya ni PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas ang tsekeng may kabuuang halagang P93,422,923.20 na katumbas ng kombinasyong 30-01-14-20-41-42 na kinuha niya mula sa kanyang birthday, sa engagement nila ng kasintahan at sa birtdate ng inampon niyang sanggol na babae na iniwan sa kanya ng kanyang kasamahan sa trabaho.

Ayon sa mapalad na lotto bettor, halos nabaon siya at ng kanyang kasintahan sa utang matapos niyang ipasok sa pagamutan ang inampong sanggol nang magkaroon ng matinding impeksiyon. Maging ang kanilang mga kasamahan sa trabaho ay nautangan na nila at naisanla pa ang telebisyon upang maisalba lamang ang buhay ng inampong sanggol.

Mababayaran na aniya niya ngayon ang kanilang mga pagkakautang at matitiyak na ang kaligtasan ng inampong sanggol, bukod sa makakabili na rin sila ng sarili niyang bahay ng kasintahan na kanya na ring pakakasalan.

Tiniyak din ng mapalad na Caviteno na magbibigay sila ng donasyon sa simbahan bilang pasasalamat at magtatayo na rin ng sariling negosyo upang mapangalagaan ang malaking halagang napanalunan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply