‘Pablo’ aalis na sa PAR bukas ng umaga

INAASAHANG lalabas na bukas araw ng Biyernes ang bagyong ‘Pablo’ sa Philippine Area of Responsibility (PAR) dahil bumilis ito palayo sa bansa.

Batay sa ipinalabas na bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA), kaninang alas 5:00 ng umaga, namataan ang sentro ng bagyo sa 350 kilometro kanluran ng Coron, Palawan.

Ang bagyong Pablo ay may  lakas ng hanging 115 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong 145 kilometro kada oras habang mabilis na kumikilos sa 13 kilometro bawat oras pa-kanluran hilagang kanluran.

Tinataya itong nasa 650 kilometro kanluran ng Metro Manila Biyernes ng umaga o sa labas na ng Philippine area of responsibility (PAR).

Samantala ang signal no. 1 ay nananatiling nakataas sa  Calamian Group of Islands.

Kaugnay nito pinapayuhan pa rin ang mga sasakyang pandagat na huwag pumalaot sa seaboards ng Northern at Central Luzon.

Ayon sa talaan ng NDRRMC, pumalo na sa 322 ang namatay sa hagupit ng Bagyong Pablo sa bansa.

Pinangangambahan namang tataas pa ang bilang nito dahil umaabot sa 378 ang iniulat na nawawala at patuloy na hinahanap habang mahigit 400 ang nasugatan.

Sa pinakahuling report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinakamaraming namatay sa Compostela Valley at Davao Oriental na pinakamatinding sinalanta ng bagyo.

Maging ang mga sundalo na tutulong sana sa rescue operations ay tinangay din ng flashflood, at apat sa kanila ang namatay.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply