‘Pablo’ magdadala ng pag-ulan sa Metro Manila

bagyong-pablo-dec5

MAGDADALA ng pag-ulan ang bagyong Pablo sa Southern Luzon kabilang ang Metro Manila, ngayong araw.

Sa isang panayam, sinabi ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Forecaster Ricky Fabregas na bagama’t hindi madadaanan ng Typhoon Pablo ang malaking bahagi ng Luzon, lalapit naman ito sa Northern Palawan kaya makaapekto ito sa pinakamalapit na bahagi ng Southern Luzon, kabilang ang Metro Manila.

“Ang maaari po lang niyang ibigay ay ‘yung mga pag-ulan dito sa Southern Luzon, kasama na po diyan ang Metro Manila. Ngayong araw po kasing ito, ‘yun po ‘yung pinakamalapit…kung saan patungo po siya sa Northern Palawan.”

Gayunman, hindi naman aniya magtatagal ito dahil inaasahang makalalabas na rin ng Philippine area of responsibility (PAR) si Pablo bukas kung hindi magbabago ang bilis nitong 24 kilometers per hour (kph) pakanluran hilagang-kanluran.

Dagdag ng PAGASA, maliit ang tiyansang magbago pa ang direksyon ng bagyo kaya makakaasang makararanas na rin ng magandang panahon ang buong bansa ngayong weekend.

“Pagpasok nitong weekend, improving weather condition na po tayo lalo na po dito sa Kabisayaan at Mindanao,” ayon kay Fabregas.

Sa ngayon, wala nang ibang namamataan na bagong namumuong sama ng panahon sa PAR.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply