Pablo, pangalawa sa pinakamapinsalang bagyo simula 1947

PUMAPANGALAWA na ang typhoon Pablo sa pinakamapinsalang bagyo na tumama sa Pilipinas simula 1947, ayon sa ulat kaninang umaga (Disyembre 23) ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Hindi kasi malayong umabot pa sa 1, 500 ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ni Pablo dahil na rin marami pa ang mga bangkay na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita.

Ayon kay NDRRMC Director Benito Ramos, sa ngayon ay nasa 1, 067 ang kumpirmadong bilang ng mga namatay at nangangahulugan na malalampasan na nito ang 1, 268 bilang ng mga namatay naman kay Bagyong Sendong noong 2011.

Nananatili namang numero uno bilang pinaka-deadliest si Bagyong Thelma na pumatay ng 5, 101 noong 1991 habang lalagpasan naman ni Pablo si Bagyong Nitang na kumitil ng 1, 363 noong 1984.

Sa ngayon, umaabot na sa mahigit P34 bilyon ang halaga ng pinsala ni Pablo habang libo-libong pamilya ang nananatiling walang tahanan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply