‘Pablo’ victims nakatanggap lahat ng relief goods – M’cañang

relief-goods1

NAKATANGGAP ang lahat ng mga nabiktima ng bagyong Pablo sa ComVal (Compostela Valley) ng relief goods mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ang tiniyak ni Presidential spokesman Edwin Lacierda at klinaro na ang lahat ng mga munisipalidad sa nasabing lalawigan ay hindi nakaligtaan ng relief operations ng nasabing departamento.

Malinaw aniya na taliwas ito sa mga lumabas na balita na hanggang ngayon ay walang dumarating na relief goods doon.

“Ito pong sabi ni Secretary Dinky Soliman po. Kaya nga pinapaliwanag po natin ito pong sinabi niya sa Compostela Valley na naabot po lahat ng munisipalidad. Kausap po niya si Governor (Corazon) Malanyaon po so lahat po ng municipality po sa ComVal (ay) naabot na po niya,” anito.

Kaya nga apela aniya ni Secretary Soliman sa mamamahayag ay i-check sa Local Government Units (LGUs) ang kanilang mga nakukuhang interview hinggil sa relief goods na nakukuha ng mga taong biktima ng bagyong Pablo.

“At saka itong mga nagtratrabaho po, itong volunteers po, at saka mga government workers po, they have been there for six days and they have been doing their best to ensure that the relief operations are delivered,” ayon kay Lacierda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply