Pabrika ng paputok sa Bulacan ininspeksyon

HABANG papalapit ang Kapaskuhan, sinimulan na ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang inpeksyon sa pabrika ng paputok sa Bulacan.

Pero ilan sa mga pagawaan ng paputok ang bumagsak sa inspeksyon ng BFP sa Norzagaray.

Sinabi ni BFP Bulacan head Superintendent Romeo Rillo, na ang processing area sa ilan sa mga factory sa Norzagaray ay napakalapit sa residential areas.

Bukod pa rito, walang gate o pintuan ang ilan sa mga fpabrika, na madaling pasukin ng mga kabataan na nakatira malapit dito.

Mas malala pa, bumagsak ang ilan sa mga factory worker sa ikinasang fire drill dahil hindi nila alam gamitin ang fire extinguisher, ayon pa sa ulat.

Kung may bumagsak na ilan, mayroon namang dalawang factory sa Angat ang nakapasa sa inspeksyon, na ang isa sa mga firecracker factory worker ay inabutan na gumagamit ng gloves at masks.

Mayroon din ang factory ng concrete warehouse na mapoprotektahan ang mga tao kapag biglang pumutok ang mga paputok.

Ang pangalawang factory sa Angat ay napatunayan din na ligtas na nasa loob ng isang compound dahil ito ay mayroong proper ventilation.

Sinabi ni Rillo na kanilang itutuloy ang pag-iinspeksyon sa iba pang pabrika ng paputok habang palapit ang holiday season.

Ikinokonsidera ang Bulacan na isang hotspot sa panahon ng holiday seasons, dahil doon halos ginagawa ang mga paputok na ginagamit sa pagsalubong sa Bagong Taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply