Pabs Hernandez sa Valenzuela at ang ‘onsehan’ sa Bulacan

burdado-jun-briones

KUNG tutuusin, matiwasay at masarap na sana ang pamumuhay ng kolumnistang si Pabs Hernandez.

Kaya marami ang nagtatanong kung bakit pa siya kumakandidatong congressman sa Valenzuela City.

Simple lang, parekoy, ang alam kong kasagutan.

Iniaalay lamang niya ang sarili bilang alternatibo kontra “political dynasty” na sa matagal na panahon ay namamayani sa nasabing lugar.

Sa mga taga-Valenzuela, kung muli po kayong magpapatangay sa kislap ng pera at ngiting Hudas ng mga trapo r’yan ay ‘di po si Pabs Hernandez ang kawawa.

Dahil hindi po si Pabs ang magdarahop sa loob ng tatlong taon muli sa walang humpay na pangako at puro kurakot.

Hindi po tayo, parekoy, nangangampanya na iboto ninyo si Pabs Hernandez kung kayo ay kuntento na sa puro pangako at pangungurakot.

Pero kung gusto ninyo ng tunay na pagbabago sa aspeto ng pulitika sa Valenzuela City at tunay na serbisyong para sa maliliit nating kababayan . . .

‘Yan ang alternatibo . . . si Pabs Hernandez!

-o0o-

NAIIYAK, parekoy, habang nagbubulalas ng sama ng loob ang isang tagasuporta ni Bulacan 4th Dist. Rep. at dating gobernador na si Jonjon Mendoza.

Lumalabas kasi na inonse o niloko si Mendoza sa pamamagitan ng sabwatan ng ilang taga-Liberal at ni Gov. Wilhelmino Sy Alvarado.

Alang-alang sa katahimikan, pumayag umano si Mendoza na hindi na tumakbong gobernador ng Bulacan kontra kay Willy Alvarado sa usapang hindi rin siya lalagyan ng kalaban sa pagkakongresista.

Ang resulta, huling oras ay may kalaban pa rin si Mendoza!

Hak, hak, hak, akala siguro ni Jonjon ay matinong usapan ang namagitan sa kanila ni Alvarado at matataas na opisyal sa kanilang Liberal Party.

Susmaryosep naman Jonjon, nagtitiwala ka pa pala sa mga salita ni Alvarado?

Sabagay, lalong makikita ngayon ng mga taga-Bulacan kung anong klaseng tao ito!

Isang bagay pa, Jonjon, kailangan mong kumampanya nang husto habang naghihilik si Alvarado! Hak, hak, hak!

-o0o-

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply