Pacman hindi nagkulang sa training, Mommy D. naimbiyerna

MARIING itinanggi ni Eight Division World Champion Manny Pacquiao na nagkulang siya sa training kaya naging masaklap ang kinalabasan ng kanyang laban kontra kay Mexican Boxer Juan Manuel Marquez.

Ayon kay Pacquiao, hindi siya nagpabaya sa kanyang training at sapat umano ito para talunin si Marquez.

Gayunman, sinabi ni Pacquiao na dahil sa lucky punch ni Marquez ay nawala ang pagkaagresibo niya sa laban at bumagsak sa ika-anim na round ng bakbakan.

Kaugnay nito, sinisisi ni Mommy Dionesia Pacquiao ang mga pastor na umaaligid kay Pacaman at ang hindi umano pagsuot ng isang Rosaryo ni Manny ang dahilan ng kanyang pagkatalo laban kay Juan Manuel Marquez.

Pagkatapos ng laban kay Pacquiao at Marquez kahapon at idineklara nang  panalo  si Marquez dito na nagpalabas ng kanyang galit si Mommy D. dahil ayon sa kanyang hindi umano pinakinggan ni Manny ang kanyang mga pangaral.

Ayon kay  Mommy D hindi siya nagkulang sa kanyang anak na ituro ang pagiging Romano Katoliko subalit dahil umano sa mga pastor na umaali-aligid kay Manny at ang iba ay humihingi pa ng pera dahilan upang magalit si Mommy D at siya mismo ang personal na nakakakita nito.

Aminado rin si Mommy D na hindi rin siya nagkulang sa pagsabi na huminto na  sa boksing si Manny at bigyan ng panahon na lang ang kanyang pamilya at pagiging Kongresista ng Sarangani dahil andiyan rin ang kanyang kinatatakutan na darating ang araw na hindi na makababangon ang kanyang anak.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply