Pacman ligtas na matapos matalo kay Marquez

WALA nang dapat ipag-alala ang mga fans at mga mahal sa buhay ni People’s Champ Manny Pacquiao dahil ayon sa pagsusuri ng mga doktor sa Pambansang Kamao ay nasa ligtas na kondisyon ito.

Partikular na binantayan ng mga doktor ang vertical spine at leeg ni Pacquiao na napatulog ni Juan Manuel Marquez sa kanilang laban kahapon sa MGM Grand Las vegas, Nevada.

Sa ika-anim na round ng laban, napatumba ni El Dinamita ang Pinoy champ.

Sa panayam sa telebisyon kay Manny sinabi nito na “ganyan talaga ang boksing minsan sa isang suntok natatalo ka.”

Dagdag pa niya na pagsubok lamang ang kanyang pinagdaraanan ngayon.

Sa naturang ulat rin sa telebisyon, emotional ang asawa ni Manny na si Jinkee Pacquiao dahil natakot aniya siya at hindi inaasahan ang resulta ng laban. Ngayon lang din aniya natalo nang ganoon ang kanyang mister.

Sa Miyerkules, December 12, inaasahan na balik-Pinas na ang People’s Champ at ang buong team Pacquiao.

Ngayong araw nakatakdang bumiyahe ang team pa-Los Angeles, California at mula roon ay lilipad pabalik ng Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply