Pacman magdo-donate ng P10M sa ‘Pablo’ victims

pacnews

SAMPUNG milyong piso ang ilalaan ni People’s champ Manny Pacquiao sa mga nasalanta ng bagyong Pablo.

Inanunsyo ni Pacquiao ang naturang balita kasabay ng ibinigay sa kanyang hero’s welcome sa Midas Hotel sa Pasay City kaninang ng umaga.

Ito ay bilang pagtupad na rin sa kanyang pangako na tutulong siya sa mga nasalanta ni Pablo kung saan una nang napaulat na inalay niya ang kanyang huling laban sa mga nabiktima ng naturang bagyo.

Ipinahayag ng Pambansang Kamao ang kanyang pagkalungkot na hindi siya nakapag-uwi ng tagumpay sa kanyang mga kababayan ngunit ayon sa kanya, may dahilan ang kanyang pagkatalo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply