Pacman naiyak sa reaksyon ng mga Filipino

MARAMING beses nang nakitaan si Filipino boxing superstar Manny Pacquiao na may malasakit siya sa kapwa niya Pinoy.

Maging sa kanyang mga nakakalaban at tinatalo ay napupuna sa kanya ang pagiging maawain.

Matapos ang masaklap na sinapit sa kanyang pakikipagdigmaan sa lona kay Juan Manuel Marquez sa ika-apat na paghaharap ay nakuha pa nitong isipin ang kalagayan ng mga Filipino.

Lumabas ng Ospital si Pacquiao na ligtas sa anumang panganib at pagkatapos ay lumutang na ito sa isang telebisyon at dito nakita at narinig ang pagmamalasakit nito sa kapwa Filipino.

“Ayokong masasaktan ang pamilya ko pati ‘yung mga taong sumusuporta, gusto ko silang pasayahin pero nalungkot sila.” saad ni Sarangani Rep. Pacquiao sa isang television interview.

Ayon pa sa Pambansang Kamao sa nakita niyang reaksyon sa mga tao sa mga Filipino na maraming umiyak lalo na ‘yung pamilya n’ya ay nasaktan ito.

Dumating ang knockout sa 2:59 sa sixth round, kumonekta sa baba ni Pacquiao ang payanig na kanan ng Mexican pug na si Marquez na ginanap sa MGM Grand Garden sa Las Vegas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply