Pacman naungusan na ni Donaire sa pound-for-pound ranking

donaire

NAUNGUSAN na ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire si 8-Division Champion Manny Pacquiao sa pound-for-pound ranking ng Ring magazine.

Hindi na maawat pa ang pamamayagpag ni Donaire sa mundo ng boksing matapos lumanding ito sa panglimang puwesto sa pound for pound ranking ng nasabing magazine.

Pagkatapos lamang ng matagumpay na 3rd round knockout victory kontra sa pamosong Meksikanong si Jorge Arce, naungusan na nito si Pacman na ngayon ay pampito na lamang.

Mula naman sa ika-anim na puwesto, naungusan din ngayon ni Donaire ang boksingerong si Adrien Broner.

Nangunguna pa rin sa listahan ang undefeated na si Floyd Mayweather Jr., at ikalawa si Andrew Ward, ikatlo naman ang nagpabagsak kay Pacquiao kamakailan lamang na si Juan Manuel Marquez at ika-apat si Sergio Martinez.

Sa loob ng 11 taon, hindi pa nakalasap ng pagkatalo si Donaire at ngayong 2012 ay apat na boksingero na ang sunod-sunod nitong pinatumba.

Sa isang panayam, sinabi ng The Filipino Flash na posibleng sumabak agad siya sa laban sa Marso at tatlo pang laban bago magtapos ang 2013.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply