Pacquiao, bawal ngayong Bagong Taon

abigail-valte

IPINAGBABAWAL ngayong Bagong Taon si Pacquiao.

Subalit, nilinaw ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na paputok ang kanyang tinutukoy na Pacquiao dahil kahit pinalitan pa ng pangalang Pacquiao ang dating piccolo ay hindi pa rin ito makakalusot sa Philippine National Police (PNP).

“Opo, ‘yung mga nagpapalit lang po ng pangalan, ‘yung piccolo po pala ngayon, ang tinatawag na nila ay Pacquiao para sabihin hong hindi bawal. Alam po ng Kapulisan ‘yung mga pagpapalit ng pangalan na ‘yan at patuloy ho ‘yung kanilang mga operasyon para masakote itong mga nagbebenta nung mga iligal at talaga namang hindi magandang paputok. We get updates from our PNP kung ano po ‘yung nagiging progress po nila diyan sa paghahanap nung mga pinagbabawal na paputok,” ani Usec. Valte.

Nauna rito, pinaigting ng PNP ang kanilang kampanya kontra sa iligal na paputok ngayong ilang araw bago ang Bagong Taon.

Tatlong magkakasunod na buy-bust operations ang isinagawa sa mga iligal na bentahan ng paputok kung saan tumambad ang mga “Bin Laden”, “Goodbye Philippines”, “Kwiton”, “Giant Bawang” at iba pa na siyang ipinagbabawal na ibenta sa publiko.

Tumambad din ang mga “pop-pop” at mga “Pacquiao” na parang pinalitan lang ang itsura na “piccolo”.

Ayon kay PNP chief Nicanor Bartolome, hahabulin na rin nila hindi lamang ang mga gumagawa at nagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok kundi pati na ang mga gumagamit nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply