Pacquiao, Donaire pinag-awayan, mister sinaksak ng kainuman

crime11

KRITIKAL ang isang mister matapos pagsasaksakin ng kainuman nang magtalo kung sino ang mas magaling kina Pacquiao at Donaire habang nag-iinuman sa Navotas kagabi, Disyembre 16.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Jay-Ar Rodriguez, 28, ng Phasse 1-A, ng lungsod.

Nadakip naman si Roberto Illustrisimo, 43,  ng Catleya st., North Bay Boulevard South ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-8 ng gabi, kainuman ng biktima ang suspek sa lugar ng una nang magkaroon ng pagtatalo kung sino ang mas magaling kina Pacquiao at Donaire.

Dahil magkaiba ng manok ay nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa umalis ang suspek subalit pagbalik ay walang salitang pinagsasaksak ang hindi na nakapormang biktima.

Matapos ang insidente ay dinala ang biktima sa TMC habang nadakip ang suspek sa isinagawang follow-up operation.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply