Pacquiao luhod sa round 3

SA ika-apat na pagkakataon ay muling nagharap ang pound-for-pound king na si Manny Pacquiao at Mexican boxer na si Juan Marquez sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada, Sabado ng gabi, Linggo ng umaga sa Maynila.

Pero sa ikatlong round ng laban ng dalawa ay nahilo at napaluhod si Pacman nang tamaan ng malakas na suntok ni Marquez sa panga.

Agad namang nakabawi ng lakas si Manny kaya agad na itinuloy ang laban.

Tatlong ulit nang naglaban dalawang beteranong boksingero upang patunayan kung sino ang mas magaling sa kanila, kung saan dalawang ulit na nanalo ang Pioy boxer.

Kahapon ay kapwa pumasa sa weigh-in sina Pacquiao at Marquez na pumalo ang timbang ng una sa 143 pounds habang 147 pounds naman ang 39-anyos na Mehikano.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply