Pacquiao makikita pa sa ring

HALOS lahat ng Pinoy ay namangha at natulala nang makitang bumagsak pataob si Manny Pacquiao, lungkot at pagkatakot ang nadama nang malaman na dinala ang kanilang idolo sa University Medical Center sa Las Vegas para sumailalim sa CT scan.

Subalit matapos masuri si Filipino boxing superstar Pacquiao ay sumaya ang mga Pinoy fans nang ibalitang ligtas na sa panganib ang Pambansang Kamao ng Pilipinas.

Lalo namang sumaya ang ibang mga Filipino nang ihayag ni Pacquiao na muli siyang babalik sa ring.

“To all my fans, I would like to thank you for your prayers and assure you that I am fine. I am looking forward to a nice rest and then I will be back to fight,” sabi ni eight division world champion Pacquiao sa isang website.

Inabot si Pacquaio ng kanang kamay ni Juan Manuel Marquez sa round six ng kanilang catchweight na 147 pounds at sa isang non-title, welterweight bout na ginanap sa MGM Grand sa Las Vegas sa Nevada.

Samantala, sa Miyerkules darating sa Pilipinas si Pacquiao upang makasama ang anak na mase-celebrate ng kaarawan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply