Pacquiao-Marquez 4 fight bukas libreng mapapanood sa Maynila

MULING mapapanood nang libre ang pinakaabangan laban ni Filipino pound for pound king Manny “Pacman” Pacquiao at Juan Manuel “Dynamite” Marquez  na sinasabing alay ng Pambansang Kamao sa mga biktima ng Bagyong Pablo nang live sa iba’t ibang sports complex sa Maynila bukas ng umaga.

Ayon kay Manila Chief of Staff at Media Bureau Chief Ric de Guzman, handang handa  na ngayon ang mga Sports Complex ng Lungsod ng Maynila para sa gaganaping  sagupaan nina  Pacquiao at Marquez.

Matatandaan na nanalo sa magkasunod na laban si Pacquiao pero naging kontrobersiya ang ikatlong laban ng dalawa.

Ang Pacquiao-Marquez fight ay gaganapin sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.
Iniutos naman ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang paglalagay ng malalaking screen sa mga sports complex ng lungsod para maaayos na mapanood ng mga residente ng Maynila na hindi kayang magbayad ng  pay per view channel para sa  laban ni Pacquiao kay Marquez sa ring.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply