Pacquiao, personal na naghatid ng ayuda sa mga biktima ni Pablo sa ComVal at Davao Oriental

PERSONAL na inihatid ni Sarangani Representative Manny ‘Pacman’ Pacquiao ang mga relief goods bilang tulong sa mga nasalanta ng bagyong Pablo sa Compostela valley at Davao Oriental.

Kasama ni Manny Pacquiao sa paghatid ng mga relief goods sa bayan ng New Bataan ang Governador ng Sarangani na si Governor Miguel Rene Dominguez at ginamit ni Manny Pacquiao ang kanyang chopper upang mas madaling marating ang mga lugar na matumal ang mga tulong.

Apat na ten wheeler truck ang sinakyan ng mga relief good ni Pacquiao na nagkakahalaga ng P2 milyon habang ang P8 milyong piso naman ay ibibili ng mga yero, semento, plywood at mga hallow block upang may magamit ang mga residente sa kanilang muling pagtayo ng kanilang mga bahay.

Tinungo rin ni Manny Pacquiao ang barangay Andap na may pinakamaraming namatay at personal na nakita ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga residente at kahit sa trahedya na kanilang naranasan kahit sa sandali nakangiti ang mga residente ng makita si Congressman Pacquiao.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply