PAF, Navy tumutulong sa paghahanap sa mga nawawalang mangingisda

NAKIKIPAGTULUNGAN na rin ang air assets ng Philippine Air Force (PAF) at Philippine Navy sa isinasagawang search and rescue operation sa mahigit 300 mangingisda na naiulat na nawawala sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Pablo.

Ayon kay Rear Admiral Luis Tuason Jr., OIC ng Philippine Coast Guard (PCG), kasama rin sa search and rescue operation ang mga eksperto, mga barko ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sa tala ng PCG, may 45 mga bangka ang nawawala sa karagatan na kinalululanan ng mahigit 300 mangingisda.

Sa nasabing bilang ay 13 pa lamang ang nasagip ng ahensya na pawang mga taga-General Santos City, Sarangani province at Davao Oriental.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply