Pag-ahon kay Pablo, taon aabutin; patay sumiriti pa sa 1046, danyos P24.2B

benito-ramos

SIMIRIT pa kaninang umaga ang bilang ng patay sa Tropical Cyclone Pablo (Bopha), habang sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ang proseso sa pag-ahon o pagrekober sa kalamidad ay maari pang abutin ng hindi lamang buwan kundi taon.

Sinabi ni NDRRMC head Benito Ramos na marami pa ang kinakailangan na trabaho para magawa ang mga nasira na dulot ng Pablo.

Idinagdag rin nito na inaasahan pa na ang bilang ng mga namatay at danyos sa mga ari-arian ay sisisirit pa habang ang field reports ay patuloy na pumapasok.

Sinabi ng NDRRMC na ang death toll sa Pablo ay 1,046 at sa nasabing bilang ay 648 pa lamang ang nakikilala. May 2,662 ang nasugtan at 841 ang nananatiling nawawala.

Sinabi rin ng NDRRMC na naapektuhan ng Pablo ang may  701,257 pamilya o 6,203,991 katao sa 2,911 villages sa 312 towns at 40 cities sa 34 provinces.

Sa nasabing bilang, 6,608 pamilya o 25,953 katao ang nasa 63 evacuation centers.

May 10 tulay at isang kalsada ang nananatiling hindi madaanan habang may 36 na lugar ay nakararanas pa rin ng power interruption.

Sinabi ng NDRRMC na ang danyos na sanhi ng Pablo ay tinatayang nasa P24,222,823,528.07, kabilang ang P7,822,986,310 sa imprastraktura  at P16,350,605,805.07 naman sa agrikultura.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply