Pag-akyat sa SC sa RH bill hindi haharangin

HINDI haharangin o kukumbinsihin man lamang ng liderato ng Kamara ang simbahan na huwag nang magsampa ng petisyon sa Supreme Court kaugnay sa ipinasang Reproductive Health bill.

Magkagayunman, ipinagkibit-balikat lamang ni House Speaker Feliciano Belmonte ang balak  ng CBCP Episcopal Commission on Family and Life (ECFL) na pagdulog sa Supreme Court dahil karapatan aniya ito ng sinuman na tumakbo sa Korte Suprema.

Kagabi ay tuluyan nang naipasa sa ikatlong pagbasa ang RH bill sa botong 133-79 sa Kamara habang 13-8 naman sa Senado.

Naunang sinabi ni CBCP Episcopal Commission on Family and Life (ECFL) chairman at Antipolo Bishop Gabby Reyes na pinag-aaralan na ng mga abogadong Katoliko ang pagkwestyon sa RH bill sa Korte Suprema sakaling ganap na itong maging batas.

Tiniyak din ni Belmonte na kung sila man ang nasa kaparehong kalagayan o sitwasyon ay katulad din na hakbang ang kanilang gagawin.

Umaasa rin ang speaker na hindi mauuwi sa pagkakawatak- watak ng mga Filipino kung ganito ang magiging hakbang ng mga Obispo dahil sigurado naman na makakalimutan din ng sambayanan ang isyu sa tagal ng desisyon na ipalalabas ng SC.

Sa bandang huli ay handa pa rin aniya ang Kamara na makipag-usap sa mga obispo kapag lumamig na ang isyu.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply