Pag-angkat ng manok, poultry products sa Taiwan, ipinatitigil ng DA

DA

MAHIGPIT na ipinatitigil ni Department of Agriculture (DA) Secretary Proceso Alcala ang pag-aangkat ng mga alagang manok at poultry products mula sa Taiwan.

Ang ipinalabas na kautusan ni Alcala ay dahil sa bird flu na nakakaapekto sa mga manukan doon.

Inatasan rin ni Alcala ang veterinary inspectors na suspendihin muna ang pagproseso at pagbigay ng clearance para sa importasyon ng poultry products.

Kamakailan, nagbabala si Health Secretary Enrique Ona sa mga bird watchers sa Candaba swamp na magsipag-ingat sa bird flu virus.

Nauna rito, nagbabala ang United Nations’ Food and Agriculture Organization (FAO) sa mga tao na isang mutant strain ng bird flu ang natagpuan sa ilang manukan (poultry farms) sa Hilaga at gitnang Vietnam.

Hinihikayat din ng FAO na dagdagan ang kahandaan at pagbabantay laban sa posibleng muling pagkabuhay ng H5N1, isang malubhang sakit na trangkaso na nanggagaling sa ibon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply