Pag-imprenta ng bagong pera ngayong holiday, minamadali ng BSP

BSP

NAG-IIMPRINTA na ng dalawang bilyong piraso ng bank notes ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para pamalit sa mga lumang pera ngayong nalalapit na Kapaskuhan at sa mga susunod na taon.

Sa lingguhang forum sa Quezon City, sinabi ni BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo, pinakamaraming iniimprenta nila ang tig-P20 na bill,
pangalawa ang P100 bill, pangatlo ang P50, sumunod ang tig-P500 at P1000 habang pinakakaunti ang tig-P200.

Minamadali na, aniya, ang pag-iimprenta para mapalitan na ang mga lumang bank note sa mga bangko.

Tiniyak naman nito na sapat ang suplay ng bank notes sa mga bangko maging sa mga ATM ngayong haliday season.

Pag-aaralan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagbabago sa bagong labas na pera alinsunod sa puna ng mga eksperto.

Ayon kay Fe dela Cruz, corporate affairs director ng BSP, bukas ang kanilang tanggapan sa anumang kritisismo hinggil sa inilabas na bagong bank notes.

Pinuna ng mga eksperto sa mapa ang hindi pagkalagay sa isla ng Batanes at matatagpuan ang underground river sa Palawan, maling kulay ng blue-napped parrot na naging dilaw at pulang tuka nito.

Gayunman, idinepensa ng BSP ang bagong disenyo ng bagong pera.

Anila, ikinunsulta ito sa mga eksperto at nagsagawa ng research.

Paliwanag ng BSP, hindi kailangang ilagay ang lahat na detalye imbes ay pinagtuunan nila ang kahalagahan na hindi ito magagaya o mapeke.

Inamin ng BSP na hindi ito ang unang pagkakataon na may kamalian sa pera, partikular na tinukoy ang aksidenteng pagkakamali sa pangalan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na naging “Gloria Macapagal Arrovo” sa P200 bill.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply