Pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa, asahan – PAGASA

PAGASA-DOST

IPINAHAYAG ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na asahan ang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw.

Ayon sa PAGASA ito ay bunsod ng northeast monsoon o hanging amihan na naka-aapekto sa northern Luzon.

Kabilang sa makararanas ng maulap na papawirin at bahagyang pag-ulan ang Cagayan Valley Region.

Bahagya ring magiging maulap at makararanas ng manaka-nakang pag-ulan ang nalalabing bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila.

Wala namang namataan ang Pagasa na panibagong sama ng panahon na nagbabanta sa labas ng bansa, sa ngayon.

Ang nararanasang pag-ulan sa Metro Manila ay isolated lamang at ang umiiral na Amihan ang nakakaapekto sa Hilagang bahagi ng Luzon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply