Pagbasa ng sakdal kay Ampatuan bukas, tuloy

TULOY na bukas ang pagbasa ng sakdal kay dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) governor Zaldy Ampatuan kaugnay sa kasong multiple murder sa Maguindanao Massacre noong 2009 .

Ayon kay Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes wala naman aniya siyang natatanggap na mosyon hanggang ngayong araw para baligtarin ang nauna niyang desisyon para sa naturang pagbasa ng sakdal kay Ampatuan.

Nauna ng pinadalhan  ng  abiso ng korte ang warden ng Quezon City Jail-Annex sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, sa  Taguig para humarap sa naitakdang pagbasa ng sakdal kay  Ampatuan bukas ng alas  9:00 ng umaga.

Sa naging desisyon ng korte , sinabi ni Solis-Reyes na kinatigan  ng Court of Appeals at Korte Suprema ang kaniyang desisyon upang matuloy ang pagbasa ng sakdal kay Ampatuan sa kabila ng mosyon ng depensa na mabasura ang pagkakasangkot nito sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply