Pagbasa ng sakdal kay ex-ARMM Gov. Zaldy Ampatuan sa Dec. 12 na

ITINAKDA na ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) ang pagbasa ng sakdal kay dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan kaugnay sa kinakaharap nitong multiple murder nase sa nangyaring Maguindanao massacre noong Nobyembre 23, 2009.

Itinakda sa Disyembre 12, alas-9:00 ng umaga ang petsa at oras ng arraigment kay Zaldy na ngayon ay nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ayon kay Judge Jocelyn Solis Reyes, walang basehan ang mga naging hirit ni Zaldy upang tanggalin ito sa listahan ng mga akusado sa malagim na pagpatay sa 58 katao kabilang na ang 32 mga mamamahayag.

Napag-alaman na una nang ibinasura ng Supreme Court ang hiling ng dating ARMM governor na maalis sa listahan ng mga akusado sa krimen.

Ito’y sa pamamagitan ng tatlong pahinang Notice of Resolution ng SC Third Division na may petsang November 14, 2012 at pirmado ni Division Clerk Lucita Soriano.

Sa nasabing resolusyon, ibinasura ng SC ang ikalawang motion for reconsideration ni Ampatuan dahil sa kawalan ng merito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply