Pagbasa ng sakdal kay Zaldy Ampatuan tuloy na — Supreme Court

PINAL nang ibinasura ng Supreme Court ang hiling ni dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan na maalis sya sa listahan ng mga akusado sa Maguindanao Massacre.

Iyan ay ayon sa tatlong pahinang notice of resolution ng SC Third Division na may petsang November 14, 2012 at pirmado ni Division Clerk Lucita Soriano.

Sa nasabing resolusyon, ibinasura ng KS ang ikalawang motion for reconsideration ni Zaldy Ampatuan dahil sa kawalan ng merito.

Sa kanyang mosyon, hiniling ni Zaldy na magpaliwanag ang KS sa ginawa nitong pagbasura sa kanyang inihaing petition for review at motion for reconsideration na parehong ibinasura ng KS nuong June 25 at August 15.

Tinukoy ni Zaldy na napagkaitan siya ng due process nang hindi ilahad ng KS ang facts of the law na ginamit na batayan sa kanyang kinukwestiyong mga desisyon.

Pero iginiit ng KS na hindi nito kailangang magpaliwanag dahil wala naman silang makitang pagkakamali sa naging desisyon ng mababang hukuman.

Bukod dito, natalakay na rin ang facts of the law sa naging desisyon ng Court of Appeals.

Nang dahil sa desisyon ng KS, wala nang magiging legal na balakid para maisalang sa arraignment si Zaldy sa kasong multiple murder.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply