Pagbubusal sa mga baril ng pulis sinimulan na

HABANG papalapit na ang araw ng Pasko at Bagong Taon, sinimulan na ng opisyal ng pulisya ang pagbubusal sa nguso ng baril ng kanilang mga police personnel para maiwasan ang pagpapaputok sa Kapaskuhan.

Sa Davao region, sinelyuhan ng Philippine National Police’s Region 11 command ang nguso o muzzles ng kanilang personnel’s firearms sa Camp Catitipan.

Karamihan sa mga baril na ang nguso ay binilutan ng masking tape ay service firearms ng mga police personnel sa kampo, ayon pa sa ulat.

Kahalintulad  na mga aktibidades ang inaasahang mangyari sa mga susunod na mga araw sa iba pang police units, dagdag pa ng ulat.

Aalisin naman ang selyo sa mga unang araw ng Enero  para malaman kung sino sa kanilang mga police personnel ang nagpaputok sa panahong na Kapaskuhan.

Ang mga sirang selyo o nadisporma ay pagpapaliwanagin kung bakit ang kanilang baril ay pinaputok.

Pinaalalahanan din ang mga police personnel na huwag gumamit ng paputok para salubungin ang Christmas at New Year.

Mananatiling epektibo ang taped-muzzle policy hanggang Enero 3.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply