PAGCOR maagang nagpa-Pasko sa street sweepers

BINIGYAN ng maagang pamasko ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang mga street sweeper sa ilang bahagi ng kamaynilaan.

Pinangunahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang pagbibigay ng mga regalo sa may dalawang libong mga street sweeper mula sa Pasay, Paranaque at Maynila.

Kinilala ng Pangulo ang pagsisikap ng mga ito sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa mga lansangan.

Kamakailan tumangap ng P4 milyon donasyon ang PNP buhat saPAGCOR para sa pagbili ng mamahaling equipment sa PNP General Hospital.

Nabatid na gagamitin ang naturang halaga sa pagbili ng “Multix Swing X-ray Machine,” isa sa pinakamataas na teknolohiya sa medisina para sa pagamutan na binibenipisyuhan ang mga nagkakasakit na alagad ng batas at mga kapamilya.

Ang naturang donasyon ay bahagi ng programang “Pamaskong Handog ng PAGCOR 2011: 25 Days of Christmas, 25 Years of PACGOR.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply